Tungkol sa programa
Ang Victorian Government ay nakikipagtuwang sa Victorian Chamber of Commerce and Industry (VCCI) upang maghatid ng isang programang gabay sa negosyo para tulungan ang mga maliliit na negosyanteng bagtasin ang mga hamong pang-ekonomiyang dulot ng mga paghihigpit upang mapabagal ang pagkalat ng coronavirus (COVID-19).
Sa pamamagitan ng programang ito, ang mga karapat-dapat na may-ari ng mga negosyo ay makakatanggap ng hanggang apat na pulong paggabay na 2 oras kada pulong mula sa isang may karanasang propesyonal na tutulong sa kanilang makagawa ng may-kaalamang mga desisyon tungkol sa kinabukasan ng kanilang negosyo.
Ang programa ay nagbibigay ng inakmang gabay sa:
- Pagbawi ng negosyo – upang patatagin ang pagbawi ng negosyo (pagbawas ng gastusin, utang at pamamahala ng cashflow)
- Pagbabagong-anyo ng pamilihan – upang maintindihan kung paano nagbunsod o pinabilis ng coronavirus (COVID-19) ang mga pagbabago sa pamilihan.
- Digital literacy at pakikipag-ugnayan – upang tulungan ang mga negosyong maabot ang mga bagong mamimili at pamilihan
- Sari-saring uri ng pamilihan at supply chain – upang mabawasan ang pagkakalantad ng supply chain sa mga panganib
- Muling pagpapahusay at pagsasanay – upang tulungan ang mga negosyong maiangat ang kasanayan ng kanilang kasalukuyang lakas-paggawa.
I-click ang Mag-aplay ngayon (Apply now) na pindutan para gumawa ng aplikasyon sa VCCI website.
Ano’ng suporta ang nakalaan?
Ang karapat-dapat na mga may-ari ng negosyo ay ipapareha sa isang may karanasang propesyonal na magbibigay sa kanila ng hanggang apat na isa-sa-isang (one-on-one) pulong paggabay sa loob ng tatlong buwang panahon. Bawat pulong ay magtatagal ng dalawang oras. Ang mga pulong paggabay ay isasagawa sa telepono, kumperensya sa video at kung angkop, harap-harapan. Bago italaga sa isang tagagabay, ang mga aplikante ay hihilingang kumpletuhin ang isang maikling kuwestyonaryo na sadyang dinisenyo para tasahin ang partikular na mga pangangailangan ng kanilang pagbawi sa negosyo.
Kasunod ng pangunang pulong, ang mga aplikante ay bibigyan ng isang detalyadong plano ng pagkilos, kabilang ang payo na sadyang inakma sa indibidwal na mga pangangailangan ng kanilang negosyo.
Ang mga aplikante ay iuugnay rin sa karagdagang suporta para sa kanilang mga negosyo kung kailangan.
Maaaring kabilang dito ang pagpapayo sa pananalapi, pagkadalubhasang digital at pagtuturo, at suporta at pagsasanay sa kalusugan ng isip
Mag-iiskedyul ang tagagabay ng hanggang tatlong pag-aasikasong pulong (follow-up sessions) sa aplikante sa loob ng kasunod na tatlong buwan upang suriin ang kaniyang progreso, at magbigay ng karagdagang suporta at gabay kung kailangan.
Mga pakinabang para sa negosyo
Ang programang ito ay tumutulong sa mga negosyong:
- gumawa ng inangkop na mga istratehiya para sa pagbawi, pagbabagong-anyo ng pamilihan, digital literacy, sari-saring uri ng pamilihan at supply chain at pag-aangat ng kasanayan ng kasalukuyang mga empleyado.
- mabawasan ang mga risiko at panganib ng pagkakalantad ng pananalapi
- kumonekta sa ibang suportang pang-Gobyerno at mga lokal na serbisyong propesyonal.
Ano’ng uri ng mga negosyo ang maaaring mag-aplay para sa programa?
Ang programa ay bukas sa mga may-ari ng maliliit na negosyong mas mababa sa 20 ang full-time na empleyado. Para sa mga layunin ng programa, ang isang may-ari ng maliit na negosyo ay maaaring isang nag-iisang mangangalakal, pagkakasosyo, pribadong kompanya o trust na nagpapatakbo ng isang maliit na negosyo. Ang ibig sabihin ng dalawampung full-time na mga empleyado ay ang sumatotal ng lahat ng mga karaniwang oras na natrabaho ng lahat ng mga empleyado (maging full-time o part-time man) sa karaniwang mga oras na tinukoy ng Australian Bureau of Statistics.
Dapat ding ang mga negosyo ay:
- may hawak na aktibong Australian Business Number (ABN)
- hindi isang pampublikong kompanya, negosyong pangkawang-gawa (yaong hindi tumatakbo para kumita ng pera) o body corporate sa ilalim ng Body Corporate and Community Management Act 1997
- nagbabalak na muling itatag o ipagpatuloy ang pagpapatakbo sa Victoria
Paano mag-aplay
I-click ang Mag-aplay ngayon (Apply now) na pindutan sa pahinang ito para gumawa ng aplikasyon sa pamamagitan ng VCCI website.
Kung kailangan mo ng tulong sa iyong aplikasyon, mangyaring kontakin ang VCCI sa 03 8662 5333.