Buod ng Programa
Sa pamamagitan ng programang ito, ang mga Victorian na humaharap sa mga hamon ng pagpapatakbo ng maliit na negosyo ay maaaring makakuha ng suportang pangkalusugan ng pag-iisip na kailangan nila upang makayanan ang mga epekto ng coronavirus (COVID-19).
Ang kasalukuyang suporta sa ilalim ng programang ito ay kinabibilangan ng:
- Mga Kasama sa Kagalingan (Partners in Wellbeing) na teleponong pantawag- tulong 1300 375 330 (alas-9 n.u hanggang 10 n.g Lunes hanggang Biyernes at 9n.u hanggang 5n.h Sabado’t Linggo)
Nagbibigay ng pang-isa- sa-isang kataong suporta para paghusayin ang iyong kagalingan kung ikaw ay nababahala sa iyong negosyo, gayundin na may makukuhang libreng mga tagapayo sa negosyo at pananalapi. - Pagsasanay sa Kalusugang Pangkaisipan at Suporta sa Krisis ng St John Ambulance
Ang karagdagang mga programa ay ilalabas sa lalong madaling panahon kasama ang mga detalyeng makukuha sa pahinang ito.
Para sa madaliang pagkuha ng suporta sa kalusugan ng pag-iisip, bisitahin ang Kalusugang pangkaisipan sa negosyo (Mental health in business).
Pantawag-tulong ng Mga Kasama sa Kagalingan
Ang Mga Kasama sa Kagalingan (Partners in Wellbeing) na teleponong pantawag-tulong (1300 375 330) ay pinalawak upang bigyan ang mga may-ari ng negosyo na nasa gipit na kalagayan ng libreng ugnay sa mga tagapayo sa negosyo at pananalapi.
Ang pantawag-tulong na mga oras ay mula ika-9n.u hanggang 10n.g. Lunes hanggang Biyernes at 9n.u hanggang 5n.h Sabado’t Linggo. Kung ikaw ay balisa o nag-aalala tungkol sa iyong negosyo, mangyaring tawagan ang Mga Kasama sa Kagalingan sa 1300 375 330, na may nakalaang serbisyo ng pagsasalin kung hihilingin.
Pagsasanay sa Kalusugang Pangkaisipan at Suporta sa Krisis ng St John Ambulance
Sarado na ngayon ang programang ito. Kung kailangan ninyo ng dagdag na impormasyon tawagan kami
Ang akreditadong Pagsasanay sa Kalusugang Pangkaisipan at Suporta sa Krisis ng St John Ambulance ay dating makukuha ng isang kawani mula sa bawat konseho at mga pangunahing miyembro na may posisyon sa mga Kamara ng Komersyo, mga samahan sa Negosyo o mga Network ng Negosyo.
Ang pagsasanay ay tutulong na:
- patatagin ang mga kakayahan ng mga kalahok na suportahan ang komunidad ng mga lokal na negosyong humaharap sa hamong pangkagalingan o kalusugan ng pag-iisip
- makakuha ang mga kalahok ng kinikilala sa bansang kwalipikasyon sa pangunang tugon sa kalusugang pangkaisipan
- magkaroon ng kamalayan sa suporta sa kagalingan at kalusugang pangkaisipan para sa maliliit na negosyante at iba pang miyembro ng komunidad.
Karagdagang suporta
Ang mga dalubhasa sa kalusugang pangkaisipan ay ipapaloob din sa industriya at mga samahan ng negosyo upang bigyan ang mga miyembro ng madaliang ugnay sa mga dalubhasang tagapayo at pagsasanay sa trabaho para matukoy at matulungan ng mga tauhan ang mga taong nasa gipit na kalagayan.>
Ang paglalatag ng mga suportang serbisyong ito ay inaasahang magpapatuloy hanggang 2022, at ang iba pang mga serbisyo ay gagabayan ng mga pangangailangan at hinaharap na mga kondisyon.
Ang higit pang impormasyon tungkol sa mga karagdagang suportang serbisyo ay ilalabas sa lalong madaling panahon kung saan ang mga detalye ay makukuha sa pahinang ito.
Upang makipag-ugnay sa Business Victoria sa iyong wika, tawagan ang TIS National sa 13 14 50 at hilingin ang hotline ng Business Victoria (13 22 15).